10 Halimbawa Ng Mito Sa Pilipinas ,

10 halimbawa ng mito sa pilipinas

Answer:

1.) Ang Kwento ng Pagbuo sa Pilipinas – Noong unang panahon, wala pang lupa. Ang makikita lamang ay ang Langit, Karagatan at isang tila-ibon na nilalang. Ang Ibon ay lumilipad sa pagitan ng Langit at Karagatan. Dahil wala siyang madapuan, napagpasyahan niyang pag-awayin ang dalawang nilalang.

Nag-away nga ang dalawa. Nagpadala ng kidlat si Langit at humampas naman ang alon ng Dagat. Upang mapatigil si Dagat, nagpaulan ang Kalangitan ng mga bato. Ang mga naipong bato ang siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng Pilipinas.

2.) Si Malakas at Si Ganda – Ginawa ni Bathala ang lahat ng hayop at halaman dala ng kanyang kalungkutan. Malaparaiso ang sinaunang mundo ngunit walang tao na nakatira rito. Hanggang sa isang araw, may isang ibong lumipad sa himpapawid.Natanaw nito ang pagkataas-taas na kawayan. Dala ng pagod, ito ay nagpasyang dumapo sa naturang kawayan. Habang nagpapahinga ay nakarinig siya ng tumutuktok sa loob ng halaman. May tinig na nakiusap na sila ay pakawalan.

Noong una ay ayaw ng ibon na biyakin ang kawayan dahil baka ito ay patibong lamang. Ngunit, may Nakita siyang butiki kaya inumpisahan niya itong tinuka. Kinalaunan ay nakawala ang butiki kaya pinagpatuloy na lamang ng ibon ang pagtuktok. Hanggang sa nabiyak ang kawayan at lumabas si Malakas.

Isinunod niya ang isa pang kawayan at doon naman lumabas ang isang mahinhing dilag na ang pangalan naman ay Maganda. Ang dalawa ang siyang nag-umpisa ng lahing kayumanggi.


Comments

Popular posts from this blog

What Are Your Insights About Quantitative Research

Sino Sino Ang Mga Kinikilalang Sinaunag Ekonomistang Pilipino